Sunday, August 9, 2009

Silang mga Pulubi



Kapag nakakakita ako ng mga pulubi at mga batang namamalimos sa kalsada at natutulog sa kalye, nawawala ang mga hinanaing ko sa buhay, pati ang mga luho na kahit hindi naman importanteng mga bagay binibili samantalang sila halos masunog ang mga balat sa kalye makahingi lamang ng tirang pagkain (kung minsan sa basurahan pa nila kinuha),












namamalimos ng piso, at sa kanilang pagpapahinga ay dapuan ng langaw at tapak tapakan habang natutulog. Wala silang mga sariling tahanan at yung iba ay ginagamit pa ng mga sindikato, nakakaawa naman sila.. Dapat nako at yung mga iba diyan siguro magbago, matutong mag impok at huwag gumastos ng kung anu ano. matutong magtipid at kumain lang ng tama na kayang ubusin. Ang pag-iimpok ang magbibigay sa atin ng magandang hinaharap, dahil kung hindi natin gagawin yon baka pagdating ng araw maging isa na pala tayo sa kanila na namamalimos ng piso dahil hindi nag-isip at nag-impok nung mga panahong meron pa. Dapat Lagi tayong magpasalamat kay lord sa araw araw, at ipagdasal natin na maibsan ang paghihirap ng bawat taong naghihirap (pinansyal man o kalusugan).

No comments:

Post a Comment