1. Itabi ang 30% ng bawat perang mahahawakan. Itabi na kagad sa bangko bago mo pa magastos (di mo pagsisihan balang araw)
2. Wag magpautang (konsumisyon at stress lang yan)
3. Sipag at tiyaga (madaming raket)
4. Hindi dapat umasa sa mga magulang (kawawa ka pag wala na sila)
5. Be like a chameleon, always being able to adapt to any environment (plastikan nalang)
6. Hindi dapat nagpapatalo (kapag nay katwiran, ipaglaban mo)
7. Hindi dapat madaling mauto o mapaikot (niloloko ka nila, tanga!)
8. Hindi rin dapat takot manggago ( dahil ikaw ang gagaguhin)
9. Magtake out instead of dine in (siya pang ulam mo)
10. Magbaon kesa bumili (parehas din yon)
11. Pagtyagaan kung anung meron, hindi ka naman mamatay kung wala sa uso (eh anu ngayon?)
12. Alamin kung saan mapupunta ang mga gagastusin (para aware ka at mabudget pa)
13. Magcommute at lakad kung pwede (exercise din yon, para kana ring naggym)
14. Mag isip lagi ng mga alternatibo para sa mga bagay na kailangan (tipid yun)
15. Huwag na huwag tatanggi sa libre (kapalan ang mukha)
16. Humingi lagi ng diskwento (gamitin ang face value kung meron)
17. Makuntento sa kung anong meron (matutong magkontrol)
18. Matutong tumanggi at umiwas sa mga sosyal at magagastos na barkada (damay ka)
19. Hindi kailangang gumastos ng malaki para mabusog (pare parehas lang yan kakainin at itatae)
20. Hanggat nagagamit pa, kahit luma na, wag bibili ng iba o bago (gastos lang)
21. Bilihin lang ang kailangan (wag padadala sa uso)
22. Huwag bumili at magpadala sa SALE (kunwari lang yon, ganun din presyo non dati)
23. Ikansel na mga bagay na di nagagamit (sayang lang, ipunin mo nalang)
24. Ikumpara bawat presyo ng binibili, (mag window shop muna mas maganda)
25. Huwag bumili sa mga convenience stores ( malaki patong)
tama :D
ReplyDeleteHAHAHAHA! Ang gali mo po. Thumbs up!
ReplyDelete